Business Administration, Second Year
Namimiss ko na siya kausap at kalandian.Namimiss ko yung mga paguusap naman sa twitter pero di kami nakatag, yung nagy-ym kami para makita isa’t-isa, yung naguusap kami sa twitter sabay ng pagkachat sa facebook, yung mga palihim naming tawag, yung panlalait sa isang tao na mukhang may gusto sa kanya at pakikipagkita ko sa kanya kahit 2 oras lang kaming magkakasama.
Bat ba kasi hindi ako masyadong nakikipagkita nun sa kanya? Sabi nung friend ko, natatakot lang ako daw akong lokohin ng mga kaibigan ko at maipakita ang tunay kong kulay. Tama naman siya. :>
Nakatext ko siya nung January 1, mga bandang alas dos ng madaling araw yun. Dun ko nalaman na may bagong partner na siya, bagong phone at masayang buhay kasama partner niya.
Actually nakikita ko silang dalawa minsan, at natataon naman na magisa lang ako. Meron nun, galing ako sa library—nagaral ng Calculus. Habang naglalakad ng mabilis may nasulyapan ako sa side ko na nakatingin sa akin napatingin ako, siya nga yun. Napasmile nalang ako kasi nakasmile siya sa akin. Muntikan ko ng mahulog yung phone ko at itouch sa smile niya pero kasama niya partner niya. Hay nako. Basta namimiss ko na siya.